Singapore team, 3rd placer sa 4th SEABA Men's Championship
April 8, 2001 | 12:00am
Naitakas ng Singapore ang 81-78 overtime panalo kontra sa Indonesia upang mapasakamay ang konsolasyong ikatlong posisyon sa pagsasara ng 4th Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Mens Basketball Championship sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Pinangunahan ni Kon Meng ang Singapore sa paghakot ng 32- puntos upang makabawi ang koponan sa kanilang nalasap na pagkatalo kontra sa Thailand na naging dahilan ng kanilang pagkakasibak sa finals.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang nakikipaglaban ang Philippines sa Thailand na hangad maitala ang kauna-unahang back-to-back title sa torneong ito.
Matapos makapasok sa kampeonato, ang RP Team at Thailand sila ay kasama na para sa Asian Basketball Association (ABC) Mens Basketball Championship na gaganapin sa Shanghai, China sa July.
Ang 1996 Champion na Indonesia ay nagtapos bilang fourth placer habang ang ikalimang puwesto ay nakuha naman ng Malaysia matapos igupo ang Vietnam sa unang laro, 73-59.
Nabalewala naman ang 22 puntos ni D. Soemargo ng matalo ang kanyang koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended