Pinoy campaigners talsik agad
April 4, 2001 | 12:00am
Maagang nagsibakasyon ang mga local campaigner ng bansa sa boys singles ng 12th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.
Hindi naging sapat ang ipi-namalas na talento nina wild cards Joseph Victorino, Johan Guba, John Rey Moreno at Ian de Guzman para tapatan ang lakas ng kani-kanilang mga dayuhang kalaban.
Yumukod si Victorino, sariwa pa sa kanyang pamamayani sa ITF Junior Circuit na ginanap sa Malaysia, Singapore at Thailand sa worlds No. 70 at fourth seed Sanil Kumar Sipaeya ng India, 4-6, 2-6.
Pinatalsik naman si Guba ng second seed na Amerikanong kalaban na si Prakash Amiritraj, 1-6, 0-6; nabigong umusad si Moreno kontra Jan Stancik ng Slovak Republic, 3-6, 0-6 at nadiskaril naman si de Guzman kay Luka Gregorc ng Slovenia Republic, 0-6, 0-6.
Naging masama rin ang kapalaran para sa mga seeded players na sina Christian Johansson ng Sweden, Jacob Olsen ng New Zealand at Chris Kwon ng Amerika na nasibak rin sa 21-nation tournament na ito.
Nabigo ang third-ranked at world juniors No. 65 na si Johansson sa walang seeded na si Anuwat Dalodom ng Thailand, 2-6, 4-6; at yumukod ang No. 8 na si Kwon sa kalabang si Tara Tanthasuwanalert ng Thailand, 2-6, 1-6 at natalo si Olsen, 7th seed sa kalabang si Eko Kurniawan ng Indonesia, 2-6, 4-6.
Samantala, kinailangan ng top seed na si Jonathan Chu ng Amerika ng extra set bago niya tuluyang maidispatsa si Amanjot Singh ng India, 4-6, 6-4, 6-1 upang makasama ang kababayan at No. 5 Jason Zimmerman sa susunod na round ng Group 2 event na ito para sa 18-years and-below.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended