Vietnam dapa sa RP-5
April 4, 2001 | 12:00am
Kung impresibo ang unang panalo ng defending champion Philippines sa Southeast Asian Basketball Association mens basketball championship, lalo namang pinabilib ng mga Pinoy ang kanilang kababayan.
Sinundan ng RP team ang kanilang 112-70 panalo kontra sa Singapore noong opening day sa Vietnam, 130-46 sa ikalawang araw ng aksiyon sa Rizal Memorial Coliseum.
Bagamat inaasahan na ang naturang tagumpay ng Nationals kontra sa maliliit na Vietnamese, isang di inaasahang pangyayari ang naganap upang hindi maging ordinaryo ang kanilang tagumpay.
Matapos ibaon ang kalaban sa 72-41 kalamangan, sinamantala ng RP team ang kahinaan ng mga kalaban sa paghakot ng 37 puntos at hindi pinaiskor ang kalaban sa kabuuang 10 minuto ng third quarter.
Bunga ng 2-0 record ng Philippines sa Group A, nakakasiguro na ito ng slot sa semis at ang kanilang tagumpay kontra sa Malaysia ngayon ay pormal na maglalagay sa kanila sa pagiging number 1 sa kanilang grupo.
Pinangunahan ni John Ferriols ang 7 manlalarong nagtala ng double figure sa kanyang hinakot na 18 puntos kasunod sina Romel Adducul (17), Eddie Laure (16), Ruben dela Rosa (14), Homer Se (12) Christian Calaguio (11) at Peter Martin (10).
Ang huling semifinal slot sa Group A ay pinaglalabanan ng Malaysia at Singapore na parehong may 1-1 panalo-talo sa kung saan ang no. 1 team ay haharap sa no. 2 team ng kabilang grupo sa crossover semis.
Sa unang laro, tinalo ng Singapore ang Malaysia 80-55.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended