^

PSN Palaro

Tanduay sumipot kaya vs SMBeer?

-
Manatili sa kontensiyon ang layunin ng Tanduay Gold Rhum at pormal namang makapasok sa top-four ang pakay ng San Miguel Beer sa umiinit na eliminations ng PBA All-Filipino Cup.

Pormal na pag-usad sa quartefinals ang hangad ng Batang Red Bull, habang disenteng pagta-tapos na lamang ang nais ng Sta. Lucia Realty makaraang masibak sa kontensiyon.

Unang magku-krus ang landas ng Sta. Lucia at Red Bull sa pambu-ngad na laban sa Phil-Sports Arena sa alas-5:15 ng hapon at isusunod naman ang engkuwentro ng SMBeer at Rhummasters sa dakong alas-7:30 ng gabi.

Ngunit di pa sigurado kung sisipot nga ngayong gabi ang Rhummasters sa kanilang laban na nasa bingit na rin ng pagkakalaglag sa kontensiyon sanhi ng kanilang 4-8 win-loss slate.

Matatandaan na nagbanta ang kanilang team owner na si Bong Tan na di na sisiputin ang laban ngayon dahil sa kinasasangkutang gulo makaraang sabihing aalis na sila sa liga at ang inihain ng dati nilang manlalaro na si Jayvee Gayoso kung saan inakusahan nito ang Tanduay na lumabag sa salary cap ng liga.

Ang San Miguel ay kasalukuyang may 8-4 record sa likod ng 9-3 kartada ng Shell Velocity at sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ay makakasama nila ang Turbochargers sa top-four na bibiyayaan ng twice-to-beat advantage patungong quarterfinals phases.

At para makasiguro ng playoff, kailangan ng Rhummasters na maipanalo ang kanilang huling dalawang laro na kabilang ang laban ngayon at sa defending champion Alaska Aces para sa ikawalo at huling slots sa quarterfinals.

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ANG SAN MIGUEL

BATANG RED BULL

BONG TAN

JAYVEE GAYOSO

LUCIA REALTY

PHIL-SPORTS ARENA

RED BULL

RHUMMASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with