^

PSN Palaro

Winning Streak palalawigin ng Shark sa PBL Chairman's Cup

-
Mapalawig ang kanilang winning streak sa tatlong dikit ang puntirya ngayon ng Shark Energy Drinks sa kanilang pakikipaglaban kontra sa Pharmaquick sa pagpapatuloy ng elimination round ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Ngunit inaasahang mahigpit na laban naman ang ibibigay ng Pharmaquick sa pang-alas-5:30 ng hapong sultada upang makabangon sa kanilang unang kabiguan.

Mahigpit na paborito ang Shark na maiguhit ang kanilang ikatlong sunod na ta-gumpay matapos ang kanilang pamamayani kontra sa defending champion Welcoat Paints, 75-62 noong opening at Ana Freezers, 70-61 noong Huwebes ng gabi.

Gayunman, naniniwala pa rin si coach Leo Austria na kailangan nilang maglabas ng panibagong taktika dahil siguradong pinaghandaan na sila ng Pharmaquick.

At dahil sa pagkakadagdag nina Bruce Dacia at Omanzie Rodriguez sa line-up ng Pharmaquick, inaasahang magbibigay ito ng karagdagang lakas para tapatan ang agresibong opensa ng Shark.

Nauna rito, maghaharap naman ang Giv at Osaka sa unang laro, dakong alas-3:30 ng hapon. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ANA FREEZERS

BRUCE DACIA

GAYUNMAN

GIV

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

MARIBETH REPIZO

OMANZIE RODRIGUEZ

PHARMAQUICK

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with