^

PSN Palaro

Speaker Belmonte panauhin sa National Open Chessfest

-
Inanyayahan si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., bilang panauhing pan-dangal sa finals ng National Open Chess Championships simula ngayong araw sa Ramon Magsaysay Hall ng SSS Building sa Quezon City.

Inaasahang dadalo si Bel-monte, isa sa ipinagmamala-king anak ng Quezon City sa isang simpleng opening ce-remonies sa ala-1 ng hapon upang pamunuan ang hosti-lidad ng susunod na yugto ng naturang tournament na inor-ganisa ng National Chess Federation of the Philippines.

Dadalo rin sa pagtitipon si Horace Templo, SSS executive vice president na siyang nakatakdang gumawa ng ce-remonial moves kasama si Belmonte.

Isasagawa naman nina Grandmasters Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villa-mayor ang kani-kanilang debut upang makasama ng iba pang lahok na nag-qualified mula sa elimination series na nagtapos noong Sabado.

Mahigpit na makakalaban ng tatlo para sa P130,000 premyo sina FIDE Master Ildefonso Datu at National Master Emmanuel Senador na nagsosyo sa karangalan sa pagtatapos ng elimination round noong Sabado.

Sa babae maglalaban naman sina Daisy Rivera, IM Christine Rose Mariano, FIDE Master Arianne Caoli at NM Beverly Mendoza. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BEVERLY MENDOZA

BONG VILLA

CHRISTINE ROSE MARIANO

DAISY RIVERA

GRANDMASTERS EUGENE TORRE

HORACE TEMPLO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JOEY ANTONIO

MARIBETH REPIZO

MASTER ARIANNE CAOLI

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with