^

PSN Palaro

Indons, balakid sa kampanya ng RP-5

-
Panibagong sakit ng ulo ang ibibigay ng veteran Indonesian team sa coach ng Philippine team na si Dave Zamar.

At naiintindihan niya ito.

Ang Indons ay babanderahan ng mga mahuhusay na shooters na sina Romy Chandra at Antonius Ferry Rinaldo na sila ring nakaharap ng grupo nina Danny Ildefonso sa finals ng 1996 South East Asia Basketball Association (SEABA) Men’s Championships sa Surabaya, Indonesia.

At ito ang dahilan kung bakit kailangan ng team captain na si Rommel Adducul ng dobleng pag-iingat ang gawin upang makaiwas ang kanilang koponan sa tiyak na pagkatalo sa mga kamay ng Indons.

Nakatakdang dumating ngayong araw ang Indonesia sa dalawang batch para sa eksaktong pagbubukas ng 4th SEABA Men’s Basketball Championship sa Rizal Memorial Coliseum bukas.

Naniniwala rin si Zamar na bukod sa Indonesia, mahigpit rin nilang makakalaban ang koponan mula sa Singapore, Thailand at Malaysia.

Ang Singapore ay pangungunahan ng naturalized Chinese players, habang ang Thailand ay babanderahan nina Boonchuy Popark at Dilip Rai at buo pa rin ang kanilang koponan na kanilang isinabak sa 1998 Bangkok Asiad.

vuukle comment

ANG INDONS

ANG SINGAPORE

ANTONIUS FERRY RINALDO

BANGKOK ASIAD

BASKETBALL CHAMPIONSHIP

BOONCHUY POPARK

DANNY ILDEFONSO

DAVE ZAMAR

DILIP RAI

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with