^

PSN Palaro

Pharmaquick sinabon ng Giv

-
Sinimulan ng Giv Beauty Soap ang kanilang kampanya sa 2001 PBL Chairman’s Cup sa pamamagitan ng 85-70 pamamayani kontra sa Pharma-quick sa pagpapatuloy ng elimination round sa Makati Coliseum.

Nakabangon ang Soap Experts mula sa kanilang kahinaan sa unang bahagi ng labanan matapos pamunuan nina Egay Billones, ex-pro Ogie Gumatay at Edwin Bacani ang pag-aalsa ng Giv sa fourth quarter.

Humataw ang Soap Experts ng 32 puntos sa ikaapat na quarter kontra sa 14 lamang ng Pharmaquick upang iselyo ang tagumpay.

Pinangunahan ni Billones ang Giv sa kanyang tinapos na 25 puntos, 11 nito sa final canto bukod pa ang 3 rebounds at 2 assists na sinuportahan na-man nina Gumatay, Marlon Legaspi at Bacani ng 16, 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Natalo sa rebounds ang Giv, 39-53 partikular na sa offense rebounds, 6-30, ngunit inalat sa second chance attempt ang Drug Specialists sanhi ng kanilang kabiguan.

Kontrolado ng Pharmaquick ang first half at umabante pa ng 8 puntos, 44-36 ngunit isang 19-5 salvo ang pinakawalan ng Giv upang iposte ang 54-49 pangunguna. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

CARMELA OCHOA

DRUG SPECIALISTS

EDWIN BACANI

EGAY BILLONES

GIV

GIV BEAUTY SOAP

MAKATI COLISEUM

MARLON LEGASPI

OGIE GUMATAY

SOAP EXPERTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with