Ang five-time world champion at five-time winner ng US Open na si Strickland ay nakatakdang dumating sa bansa ngayong ala-1:45 ng hapon mula Japan kung saan siya ay sasalubungin ni Reyes sa airport upang maagang bigyan ng pressure ang paminsan-minsan ay sumpungin na American ace.
Sa kabila nito, umaasa si Reyes, nagposte ng makapagil hiningang come-from-behind na panalo sa "The Color of Money Part 1" na ginanap sa Hongkong, apat na taon na ang nakakalipas nang kanyang walisin ang 17th rack deficit sa pamamagitan ng final session ng race to 120 na madu-plika ang kanyang naging tagumpay at maipaghi-ganti ang nalasap na talo sa mga kamay ni Strickland noong nakaraang Disyembre sa "US-Philippines 9-Ball Challenge" na idinaos sa punong-punong Metropolis Star Mall sa Alabang.
Muling hinamon ni Strickland si Reyes matapos ang pamamayani ng Filipino cue artist sa San Miguel Beer sponsored Supreme Masters of Billiards" na ibig niyang patunayan na siya pa rin ang "the master of the supreme master."
Tahimik lamang si Reyes at kumpiyansa ito na magiging maganda ang kanyang kampanya sa race to 33 kung saan siya ay susuportahan ng hometown crowd.
Ang unang session ay isang race to 11 na gaganapin sa alas-7 ng gabi sa Huwebes (Marso 29). Ang ikalawang session ay isa ring race to 11 na magsisimula naman sa alas-3 ng hapon sa Sabado (Mar. 31) at ang ikatlo at deciding session ay magsisimula sa una hanggang sa makarating ang isang manlalaro sa kabuuang 33 racks na magsisimula sa alas-7 ng gabi.