^

PSN Palaro

POC, aapela kay GMA

-
Aapela ang Philippine Olympic Committee sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bigyan sila ng malaking financial assistance para sa national athletes na nasa mahigpit na preparasyon para sa nalalapit na 21st Southeast Asian Games at iba pang importanteng international events.

Ang nasabing apela ay ginawa kahapon ni POC President Celso Dayrit na kanyang pinagdiinan na ang mga atleta ay nagde-demand ng mas malaking (pinansiyal) suporta kung ikukunsidera ang oras at panahon na naglalagay sa kanila para maging maayos ang kanilang mental at physical na kundisyon.

"The problem is the PSC (Philippine Sports Commission) can give only so much to these athletes because the PSC itself lacks funds," paliwanag ni Dayrit na kanyang tinukoy ang mga umbrella organization ng lahat ng NSAs (National Sports Associations) ay proprotektahan ng POC ang interes ng mga atleta at iba pa.

At sa kasalukuyan, sinabi ni Dayrit na tanging ang pangulong Macapagal-Arroyo lamang ang maaaring makatuloing sa mga atleta sa dahilang ang Pangulo lamang ang siyang may kapangyarihan para maka-pag-release ng kabuuang halaga mula sa PAGCOR na dapat ay ibibigay sa PSC.

Pinagdiinan ni Dayrit na base sa PSC law, limang porsiyento ng gross income ng PAGCOR ay mapupunta sa National Sports Development Fund ."But I understand that only about half is being given to the PSC. If GMA can release the full amount, it will be a big boon to sports in general and the athletes in particular."

AAPELA

BUT I

DAYRIT

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT FUND

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PRESIDENT CELSO DAYRIT

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with