^

PSN Palaro

Mabisang gamot natuklasan na ng Pharma Quick

-
Nakakita na ang Pharma Quick ng mabisang gamot sa kanilang naging problema nang mag-debut ang koponan noong nakaraang kumperensiya nang kanilang papirmahin ang ilang mahuhusay na manlalaro upang palakasin ang kanilang tsansa sa titulo ng 2001 PBL Chairman’s Cup na magbubukas sa Sabado sa Makati Coliseum.

Magbabalik sa aksiyon sina Joel Co at Braulio Lim sa Sandy Javier-owned team, habang sina Erwin Velez at Jun Canoneo naman ang siyang magbibigay ng kinakailangang court leadership.

Ngunit nakasentro ang pokus sa dalawang top rookie picks na sina Gerard Jones at Leo Avenido maging ng promising na si Leo Llanete ng Philippine College of Criminology.

Ang iba pang kukumpleto sa line-up ay sina Jun Jabar, Nurjamjam Alfad at Jay Lapid.

"Total shake-up ang ginawa namin this season," wika ni team manager Atty. Jimmy Javier."This is a much better line-up and hopefully we could make it at least into the semifinals."

"It’s a combination of youth and experience. This team has the guts, the drive and the determination to win. Kahit yung mga rookies, talagang palaban. Siguro, what makes this team consistently shown during the practices,"dagdag pa niya.

Nagsagawa na rin ang Pharma Quick ng ilang tune-up games sa MBA champion San Juan Knights. At ang tanging problema lamang ng Pharmacists ay ang pagkawala nila ng lehitimong sentro.

"Problema talaga yung walang legitimate center, tapos, kulang pa kami ng magaling na pointguard," pahayag naman ni coach Bernie Fabiosa.

"Pero satisfied pa rin ako dahil versatile ang team, puwedeng mag-adjust. I believe Canoneo and Joel Co could take charge of the backcourt along with Llanete who was the most impressive so far among the rookies. And probably, Velez and Braulio Lim would be enough to handle the frontcourt," dagdag pa ng guro ng Pharma Quick.

"Medyo kulang pa sa jelling. Pero masaya ako sa line-up na ito dahil ginagampanan nila ang instructions ko at dumidiskarte. Talagang naka-focus ang efforts nila towards winning," pagtatapos ni Fabiosa.

BERNIE FABIOSA

BRAULIO LIM

CANONEO AND JOEL CO

ERWIN VELEZ

GERARD JONES

PHARMA QUICK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with