Hawak ang puting piyesa, nakipagtabla si Sinangote sa kapwa niya lider na si Salvador makaraan ang 45 moves ng Trompovsky Opening.
Dahil sa pangyayaring ito, kapwa nagtala ng 5.5 puntos sa anim na laro ng 9 round Swiss system format na ito na inor-ganisa ng Youth for Social Action sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Shell at Ortigas and Company Inc. na may patnubay naman ng National Chess Federation of the Philippines.
Ang iba pang mga nagwagi at nananatiling nasa kontensiyon sa torneong ito kung saan tatanggap ng halagang P10,000 ang magkakampeon, sina Marlon Ricafort (5.0), Erwin Alerta (5.0), Benght Largo (5.0), Nelman Lagutin (5.0), Julio Catalino Sadorra (4.5), Rustum Tolentino (4.5), Roderick Nava (4.5) at Christopher Castellano (4.5)
Namumuno naman si top seed Oliver Dimakiling sa hanay ng may 4.0 puntos.
Sa panig naman ng mga handicapped o bulag na chess players, inokupahan ni Ruben Estuque ang solo liderato matapos pigilan ang dating kasosyong lider na si Gerry Ricarder.
Si Estuque ay nakaipon ng 5.0 puntos sa 10-man field single round robin format.