Sa kauna-unahang pagkakataon, isang buong 42K marathon kung saan ang oras para sa kalalakihan ay 3:30 at 4:00 sa kababaihan ang itinakda upang makasama sa national finals na nakatakda sa December 9.
Hindi na limitado sa 20K ang Metro Manila qualifying para sa marathon championships na suportado ng Nestle Philippines, Inc. na pinagmulan nina Justo Tabunda, Jr., ang nasirang Jimmy dela Torre, Leonardo Illut, Roy Vence at ang magkapatid na Wilfredo at Allan Ballester.
Ang mga defending champions noong nakaraang taon na sina Allan Ballester at Christabel Martes ay seeded na sa National finals, ayon kay Milo national race organizer Rudy Biscocho.
"We will use the PAL-MIM marathon route for the Metro Manila elimination run and this will take the participants from Manila to Pasay, Parañaque, Makati, Mandaluyong, San Juan and back to Manila using EDSA," dagdag ni Biscocho.
Nagdesisyon ang Nestle Phils., Inc. na maagang ihayag ang pagtatanghal ng Metro Manila marathon qualifying run upang bigyan ng sapat na panahon ang mga partisipante na mag-ensayo para sa mas malaking mga papremyong P30,000, P20,000 at P10,000 para sa top-three finishers.