^

PSN Palaro

Ikalimang depensa ni Pacquiao sa Kidapawan tuloy na

-
Magiging punong abala ang probinsiya ng North Cotabato sa pinakamalaking sporting event sa Mindanao sa nakatakdang pagdepensa ni Manny Pacquiao ng kanyang WBC International superbantamweight crown sa Abril 28 sa Province Capitol grounds, Amas, Kidapawan City sa North Cotabato.

At kahapon pormal na nilagdaan nina Governor Manny Piñol at ng promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde Jr., kasama ang mga sponsor--Sangguniang Kabataan Provincial Federation na kinatawan ng board member na si Maybell Valdevieso na maging sponsor ng Pacquiao event at ang manager nito na si Rod Nazario sa isang mini-conference ang kasunduan na ginanap sa Palmera function room ng Royal Palm Hotel.

Nakasaad sa kasunduan ang pagtatanghal ng Triple WBC International fights sa Kidapawan.

"We are very thankful to Gov. Piñol for offering his home province to be the venue of Pacquiao’s fight," ani Elorde.

Tinaguriang "Rumblin by the Mountain 2" ang naturang boxing extra-vanganza ay magtatampok sa tatlong Filipino at tatlong Thai fighters na ang kikitain dito ay mapupunta sa Sports Development Program ng Mindanao.

Idedepensa ng 22-anyos na si Pacquiao ang kanyang korona sa ika-limang pagkakataon kontra Wethya Sakmuangklang.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging punong abala ang Kidapawan City sa boxing event. Noong 1999 luma-ban si Pacquiao sa isang non-title bout kontra Australian Todd Makelin kung saan ang Pinoy champ ang kasalukuyang flyweight champion.

Ang iba pang sasabak sa triple main event na ito ay ang magkatapid na Rubillar--sina Juanito at Ernesto na magdedepensa rin ng kani-kanilang WBC International crowns.

AUSTRALIAN TODD MAKELIN

ELORDE JR.

GOVERNOR MANNY PI

KIDAPAWAN CITY

MAYBELL VALDEVIESO

NORTH COTABATO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with