^

PSN Palaro

National Softball Tourney nakatakda sa Bulacan

-
Ang lahat ay naisaayos na at nakahanda na para sa gaganaping National Softball tournament sa Barangay Matimbo at Bgy. Sta. Isabel sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa Abril 21-26.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Resty Roque, isa sa mga sponsor ng nasabing torneo na kabalikat ang Amateur Softball Association of the Philippines at Philippine Sports Commission.

Ang pagbabalik ng nasabing torneo na huling ginanap noong 1976 na ideya nina Mayor Roque at dating gobernador ng Bulacan ay lalahukan ng sampung team sa pangunguna ng kasalukuyang kampeon ng UAAP na Adamson U.

Ang iba pang kalahok ay ang UST, UE, UP, Rizal province, Rizal Technology University, Laguna province, Cebu City at Bacolod City.

Sinabi ni national coach Jose ‘Pepe’ Pinga na siya ring direktor ng torneo ang National Youth team (16-anyos pababa) na gagastusan ni Mayor Roque na nakatakdang lumahok sa Hunyo sa Florida, USA ay kasali rin bilang guest team upang mabigyan ng kaukulang exposure.

Huling naging kampeon sa nasabing torneo ang FEU na binubuo ng karamihan ay mga manlalaro ng tanyag na Blu Girls noong dekada 60s hanggang 70s.

ADAMSON U

AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BACOLOD CITY

BARANGAY MATIMBO

BLU GIRLS

BULACAN

CEBU CITY

MAYOR RESTY ROQUE

MAYOR ROQUE

NATIONAL SOFTBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with