Protesta ni Salud sa WBC iniatras na
March 14, 2001 | 12:00am
Sumulat ang manager ng WBC international super flyweight champion Gerry Peñalosa na si Rudy Salud kay World Boxing Council president Jose Sulaiman na iwini-withdraw na ang kanilang protesta hinggil sa kanilang plano na idaos ang Mayo 20 world title fight sa pagitan nina champion Masamori Toku-yama at dating champion In Joo Cho sa Seoul.
Iprinotesta ni Salud ang nasabing plano sa dahilang si Peñalosa ang siyang rated No. 1 na pumayag na magpaubaya sa laban para mapayagan ang rematch sa pagitan nina Tokuyama at In Joo Cho na siyang rated No. 2 sa kundisyon na ang naturang laban ay gaganapin naman sa Pyongyang at makapagtayo ng kauna-unahang kasaysayan para sa WBC.
Si Tokuyama ay isang Japan-born, North Korean, habang si In Joo Choo ay mula naman sa South Korea at pumayag na rin si Salud na ipursige ang mandatory title shot sa interes na rin ng pagpo-promote ng pagkakaisa sa pamamagitan ng sports.
Nang malaman na itatakda ng promoter na si Kusung Lee ang title fight na ito sa Seoul, sinabi ni Salud na ito ay paglabag sa kanilang naging kasun-duan sa WBC convention na ginanap naman sa Mexico noong nakaraang Oktubre kung kayat nagprotesta si Salud.
At sa huling fax message na ipinadala ni Salud, sinabi nito na ang aksiyon ni Kusung Lee bilang "more than enough show of good faith and whatever be the results" ay kanyang iwi-withdraw ang nasabing protesta hinggil sa nasabing championship fight kung saan man ito idaos.
Samantala, sinabi naman ni Salud na nananatili pa ring nasa magandang kundisyon si Peñalosa at kanyang haharapin ang dating WBA junior flyweight champion Keiji Yamaguchi at umaasa siya na ang mananalo sa Tokuyama-Cho fight ang siyang magtatanggol ng korona kontra naman kay Peñalosa sa loob ng 90-araw mula Mayo 20.
Matatandaan na naagaw ni In joo Cho ang titulo sa mga kamay ni Peñalosa sa Seoul noong 1999 sa isang kontrobersiyal na split decision at lumasap din ng ganitong pagkatalo noong Enero 2000 sa South Korean capital naman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended