Nakataya sa dalawang araw na event na ito na iho-host ng beteranong derby fighter at breeder Peping Suarez ng San Juan ang garantisadong cash prize na P500,000 para sa low entry fee na P10,000 at ang minimum pegged ay P5,500 at siniguro ni Suarez na ang lahat ng center bets ay pantay.
Nakatakdang sumali sa Joshua Derby ang mga panabong mula sa Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga at Metro Manila kung saan si Suarez ay regular na sumasali.
Samantala, tumatanggap na rin ng reservation slots at cock-houses para sa P1M Bitaw-Bitawan 4-Cock Derby na iho-host ni Ka Soseng Gotengco ng Cabuyao Laguna at aasistihan ni Lando Luzon.