^

PSN Palaro

Depensa ni Pacquiao vs Thai boxer sa Kidapawan

-
Inaalok ni Governor Manny Piñol ng Kidapawan, Cotabato ang international boxing promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde Jr., na idaos ang nalalapit na triple WBC International Championships sa kanyang bayan sa Kidapawan, Cotabato.

Ayon sa promoter na si Bebot Elorde Jr., kanilang ipa-finalize ang pag-uusap hinggil sa naturang bout sa pagdating sa Huwebes ni Gov. Piñol sa Manila.

"We will finalize the agreement on Thursday upon Gov. Piñol’s arrival in Manila," pahayag ni Elorde.

Nakatakdang idepensa ni Manny Pacquiao ang kanyang World Boxing Council (WBC) International superbantamweight crown kontra sa impresibong Thai boxer na si Wethya Sakmuangklang.

At dahil sa batid na mayroong impresibong ring record si Sakmuangklang, nagsimula na si Pacquiao na sumailalim sa malalim na training upang paghandaan ang kanyang ikalimang pagdedepensa ng korona.

"Mahirap na. Ayokong magpabaya," wika ng boksingerong mula sa General Santos City. Maganda ang record niya, pero hindi ko siya uurungan," dagdag pa ni Pacquiao.

Bukod kay Pacquiao, lalaban din ang magkapatid na Rubillar--sina Juanito at Ernesto para idepensa rin ang kani-kanilang mga titulo.

Makikipagbasagan ng mukha si Juanito Rubillar kontra Fahsang Paw Pongsawang para sa WBC Int’l lightflyweight championship, habang ang kanyang nakakabatang kapatid na si Ernesto ay makikipagsagupa naman kontra kay Surachai Saengmorokot para sa WBC Int’l minimumweight crown.

BEBOT ELORDE JR.

COTABATO

ELORDE JR.

ERNESTO

FAHSANG PAW PONGSAWANG

GENERAL SANTOS CITY

GOVERNOR MANNY PI

INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS

JUANITO RUBILLAR

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with