^

PSN Palaro

Lhuillier, Chariot pasok din sa semifinal

-
CEBU CITY--Sa hindi inaasahan, nagawang bumangon ng Cebu teams M. Lhuillier at Chariot Econo Cabs makaraang igupo ang kani-kanilang kalaban kahapon upang makapasok sa crossover semifinals ng CBL President’s Cup sa New Cebu Coliseum dito.

Itinakas ng M. Lhuillier ang come-from-behind na 77-63 panalo kontra Osaka Iridology, habang pinabagsak naman ng Chariot Econo Cabs ang ML Kwarta Padala, 77-63.

Kapwa nasa bingit na ng pagkasibak sa kontensiyobn ang M. Lhuillier at Econa Cabs, ngunit sa kahuli-hulihang sandali, nagawa nilang ipanalo ang kinakailangang laro upang itala ang 2-2 record at makatabla ang tatlong iba pang koponan sa kauna-unahan sa kasaysayan ng Cebu basketball.

Bunga ng panalong ito, nakuha pa ng Jewelers na hawakan ang unang puwesto sa pagtatapos ng elimination round.

Matapos ang tie-break computation na isinagawa ni CBL commissioner Elmer "Boy" Cabahug sa harapan ng lahat ng coaches, nakakuha ang Lhuillier ng pinakamataas na quotient na 1.04, habang ang Guardo Shiatsu ang pumangalawa na may 1.03.

Tumersera ang Chariot na may 1.00, habang ang Osaka Iridology naman ang nakakuha ng huling slot na may 0.97 patungo sa crossover semis round ng event na ito na magsisimula ngayon.

BUNGA

CABAHUG

CEBU

CHARIOT ECONO CABS

ECONA CABS

GUARDO SHIATSU

KWARTA PADALA

LHUILLIER

NEW CEBU COLISEUM

OSAKA IRIDOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with