Sinabihan ni Puyat, nagsilbi ng mahabang taon bilang BAP president at ngayon ay chairman na ng local cage body si Stankovic na balewalain ang anumang kahilingan para sa (FIBA) na kumikilala kay Graham Lim at sa grupo nito sa dahilang nilabag ni Lim ang (BAP) Constitution and By-Laws.
Ipinaalam rin ni Puyat kay Stankovic, na ang kaso ng BAP ay kanila ng dinala sa Philippine Olympic Committee Arbitration Commission kung saan nagdesisyon ang POC na si Jalasco ang siyang kikilalaning BAP president.
Sinabi rin ni Puyat kay Stankovic na tumanggi ang grupo ni Lim na tanggapin ang naging desisyon ng POC at sa halip ay kanilang dadalhin ang kaso sa korte upang maunahan nila ang gobyreno at sa posibleng pagkakasuspindi sa POC ng International Olympic Committee.
"I recall that in the late seventies, the POC was threatened with suspension by the IOC for alleged intervention by the government (of the dictator Ferdinand E. Marcos)," ang nakasaad pa sa sulat ni Puyat.