Peñalosa vs Yamaguchi sa WBC title sa big dome
March 11, 2001 | 12:00am
Itataya ni Gerry Peñalosa ang kanyang World Boxing Council (WBC) International superfly-weight title at ang pagiging No. 1 rating kontra Keiji (Prince) Yamaguchi sa Mayo 5 sa Araneta Coliseum sa isang blockbuster card na promoted ng Viva head Vic del Rosario.
Ito ang kinumpirma kahapon ng manager ni Peñalosa na si Rudy Salud.
Sinabi ni Salud na hindi na nila hihintayin pa ang desisyon ni WBC President Jose Sulaiman kung isa-sanctioned o hindi ang WBC 115-pounds titlist ni Masamori Tokuyama na kanyang idedepensa kontra naman kay In Joo Cho sa Mayo 20 sa kabila ng kanilang protesta.
Nauna rito, pumayag si Salud na ipagpaliban ang mandatory challenge ni Peñalosa sa dahilang kailangang harapin ni Tokuyama si Cho sa Pyongyang at sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng boxing walang title fight na ginanap sa North Korea. At dahil sa sumingaw na balita na ang naturang laban ay idaraos sa Seoul, tumanggi na si Salud na makipagtalo sa dahilang wala na rin itong rason.
Ngunit mayroong option ang manager ni Cho na si Ku Sung Lee na si Tokuyama ang susunod na kalaban ng kanyang bata ay gaya na rin ng isang WBC na may-sanction na ang Seoul bout ay isang pagpapakundisyon sa mananalo na bigyan ng korona upang makalaban naman sa No. 1 contender sa loob ng 90-araw.
Kaya’t kailangang hindi matalo si Peñalosa kay Yamaguchi. At ang pagkatalo niya ang siyang bubura sa pag-asa nitong muling mabawi ang koronang inagaw ni Cho sa pamamagitan ng split decision noong 1998.
Anuman ang maging desisyon ni Sulaiman, wala ng makakapigil pa kay Peñalosa na harapin si Yamaguchi. "If Sulaiman decides to scrap the Tokuyama fight against Cho and orders a mandatory defense against Gerry, we’ll go for it--anytime, any place even if it’s the day after Gerry fights Yamaguchi," wika pa ni Salud.
Dumating na si Peñalosa sa Manila noong Biyernes mula sa kanilang tahanan sa Davao upang magsimula ng mag-training para paghandaan ang laban kay Yamaguchi. Ang kanyang timbang ay 124-pounds, subalit sa ilalim ng nutritionist doctor na si Dr. Sanirose Orbeta, hindi mahirap upang matugunan niya ang limit na 115 pounds para sa nasabing laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest