^

PSN Palaro

Ilongo's Pride, kampeon sa Nestea Beach Volleyball tourney

-
Nagtala ng dalawang malalaking upset ang Ilongo’s Pride upang tanghaling kampeon ng men’s division ng unang Nestea Beach Volleyball National Open na natapos kahapon sa CCP Complex.

Ang pares nina Herminio Gallo at Parley Tupaz, ika-10th seed sa torneong ito na kinilala ng Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA) ay nanaig kontra sa top seed na Bicol at third seed na Armed Forces Research Development Center.

Unang iginupo ng Ilongo’s Pride ang Bicol duo, 21-17, 32-30 sa semifinal round bago pinabagsak ang Army-men sa iskor na 21-16, 25-23 upang makopo ang titulo.

Nakopo naman ng Philippine Navy 2 na binubuo nina Johanna Botor at Helen Dosdos ang titulo sa women’s division nang kanilang igupo ang Armed Forces of the Philippines 2 na binubuo nina Josie May dela Rosa at Pine Estrada, 21-12, 21-15.

Ang Navy 2 at AFP 2 ay kakatawan sa bansa sa nalalapit na Beach Volleyball Women’s Circuit na gaganapin dito sa Marso 30 hanggang Abril 1.

Tinanghal na Most Valuable Players sina sina Gallo sa men’s division at Botor sa women’s category.

Naging madali ang pagkopo ng Ilongo’s Pride sa unang set ngunit dumaan naman sina Gallo at Tupaz sa butas ng karayom sa ikalawang set bago tuluyang naisukbit ang korona.

Nagkaroon ng tsansa ang AFRDC na dalhin sa diciding set ang labanan nang kanilang itabla ang iskor sa 23-all matapos ang turn-over ni Tupaz.

Ngunit pumukol ng dalawang matutulis na spikes si Gallo upang mailista ang panalo.

Nakarating sa finals ang AFRDC nang kani-lang patalsikin ang title favorite Foundation-Dumaguete, 21-23, 21-19, 15-10. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ANG NAVY

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMED FORCES RESEARCH DEVELOPMENT CENTER

BEACH VOLLEYBALL WOMEN

BICOL

CARMELA OCHOA

GALLO

HELEN DOSDOS

HERMINIO GALLO

ILONGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with