^

PSN Palaro

Osaka Iridology at ML Kwarta, nagsosyo ng liderato sa CBL President's Cup

-
CEBU CITY--Kapwa tinalo ng Osaka Iridology at ML Kwarta Padala ang kani-kanilang kalaban sa magkahiwalay na laro kahapon upang magsosyo sa liderato ng 2001 CBL President’s Cup sa New Cebu Coliseum dito.

Kumana si Raymond ‘Magsy" Magsumbol ng krusiyal na jumper sa huling maiinit na segundo ng labanan upang ibangon ang Osaka Iridology sa 75-72 panalo kontra Chariot Econo.

Sumandig naman ang ML Kwarta Padala sa 11-0 rally sa huling anim na minuto upang itakas ang 61-57 come-from-behind na panalo kontra Guardo Shiatsu.

Lamang ang Econo Cabs sa 67-61 patungong 4:41 ng laro nang simulan ni Bernzon Franco ang malaking atake na nag-ahon sa Iridologists sa 69-67 pangunguna patungong 3:06 segundo ng labanan.

Huling nagtabla ang dalawang koponan sa 72-all kung saan kinuha na ng tuluyan ng Osaka ang trangko sa 73-72.

vuukle comment

BERNZON FRANCO

CHARIOT ECONO

ECONO CABS

GUARDO SHIATSU

HULING

IRIDOLOGISTS

KAPWA

KWARTA PADALA

NEW CEBU COLISEUM

OSAKA IRIDOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with