Sinungkit ng mga beteranong internationalits na sina Ryan Bonifacio Mariano, Junel Perania at Kim Torres ng tatlong ginto para sa Pilipinas sa minus 65-kilogram, minus 80-kg at plus 80-kg mens kumite events, ayon sa pagkakasunod.
Nag-uwi naman sina Dianner Moral, Jerome Laplana at ang mens kata team nina Salvador "Buddy" Veguillas, Ian Goerge Jereos at Emerson Malolos ng silver, habang bronze naman ang naumit nina Cherli Tugday, Jereos, Reiner de Leon, peter Cardona, Paolo Nicolas Veguillas at mens kumite squad nina De Leon, Ireneo Soriano, Cardona, Paolo Nicolas Veguillas, Perania, Brandy Mariano at Torres.
"Im happy with the boys showing," ani Philippine Karatedo Federation president Eduardo P. Ponce." This puts our preparations for the Kuala Lumpur Southeast Asian Games on the right track."
Tumapos ang Filipinos ng second overall sa likod ng malakas na Malaysia na mayroong siyam na medalya na kinabibilangan ng pitong ginto. Pumangatlo ang Chinese Taipei (2-3-1) sumunod ang Hongkong B (1-4-4), HK A (1-3-5), Macau (1-2-5) at Singapore (1-0-1).