^

PSN Palaro

Nestea Beach Volley National Open sisimulan na

-
Muli na namang makakapanood ng matinding aksiyon ang mga panatiko ng beach volleyball ngayong Linggo.

At sa darating na Huwebes, siguradong dadayuin na naman ng mga manonood ang Cultural Center of the Philippines sa muling pagdaraos ng kauna-unahang Nestea Beach Volley National Open.

Aabot sa 32 mahuhusay na amateur at professional player beach volleyball players ng bansa ang inaasahang maglalaban-laban sa ikalawa sa tatlong bahagi ng serye na hatid ng Nestea Ice Tea.

Ito ay kinabibilangan ng mga man-lalaro mula sa national indoor volleyball pool, champion teams mula sa Nestea Inter-Collegiate Beach Volleyball Tournament (na ngayon ay Nestea Beach Volley University Challenge) at maging sa Asian Beach Volley Circuit bets.

Kabilang sa mga prominenteng manlalaro sa naturang kompetisyon sina Joan Botor, ang back-to-back Nestea Inter-Collegiate Beach Volleyball tournament titlist (UST-DX1), Gino Macailan at Elmer Valdez, ang dalawa sa pinaka-mahusay na players ng NCAA.

Makikipaglaban rin para sa titulo ang Southeast Asian Games indoor volley veterans Elvin Pabilonia at Parley Tupaz, habang magsasagawa naman ng kanilang pagbabalik sina Asian Beach Volley Circuit veterans Herminio Gallo, Sheryl Tumayo at Jennifer Buhawe, na pawang naging bahagi ng dating Nestea Inter-Collegiate Beach Volleyball champion teams.

Ang women’s champion ng tournament ang siyang sasabak naman sa second Nestea Beach Volleyball Asian Women’s Championships na nakatakda sa Marso 30 hanggang Abril 1 sa CCP Complex rin gaganapin.

Kabilang din sa serye ang ikalimang yugto ng Nestea Beach Voleyball University Challenge at ang second Nestea Beach Volley Asian Women’s Championships na magsisilbi ring unang yugto ng Asian Beach Volley Circuit.

ASIAN BEACH VOLLEY CIRCUIT

BEACH

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

ELMER VALDEZ

ELVIN PABILONIA

GINO MACAILAN

HERMINIO GALLO

JENNIFER BUHAWE

NESTEA

NESTEA INTER-COLLEGIATE BEACH VOLLEYBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with