^

PSN Palaro

Team A ni Antonio namuno sa chessfest

-
Patuloy na ipinapakita ng Mandaluyong A ang kanilang pre-tournament billing bilang team to beat sa pag-iskor ng 3-1 panalo kontra sa Bocaue upang manguna sa 2001 National Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship na nilahukan ng walong iba pang koponan makaraan ang dalawang rounds sa Kaban ng Hiyas Auditorium, Mandaluyong City.

Gaya ng dapat asahan, binanderahan ni Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio ang kampanya ng koponan nang igupo si NM Roland Joseph Perez sa Board 1, bago sinundan ng kanyang mga teammates na sina IM Ildefonso Datu at Liolen Tubianosa ang kanyang panalo sa sumunod na dalawang boards.

Napigil ni Datu si NM Michael Gotel, habang dinispatsa naman ni Tubianosa si Michael Palma para sa ikalawa at ikatlong panalo ng koponan.

Hindi naman pinalad si Edmundo Gaus nang yumukod ito kay Cris Palma sa Board 4 para sa nag-iisang panalo ng Bocaue.

Bunga nito, nakisosyo ang Mandaluyong-based chessers sa karangalan ng Manila na isa sa apat na koponan na umiskor ng sweep sa ikalawang round kahapon.

Binokya ng second-ranked Manila na pina-mumunuan nina IMs Richard Bitoon at Barlo Nadera ang Iloilo City, 4-0 upang makisalo sa kalamangan sa pagkulekta ng kabuuang pitong panalo. Umiskor rin ang Big City chessers ng 3-1 pamamayani kontra sa Muntinlupa C sa first round noong Linggo.

BARLO NADERA

BIG CITY

BOCAUE

CRIS PALMA

EDMUNDO GAUS

GRANDMASTER ROGELIO

HIYAS AUDITORIUM

ILDEFONSO DATU

ILOILO CITY

LIOLEN TUBIANOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with