Martinez, hari sa V. Lina Open Active Chessfest
February 27, 2001 | 12:00am
Nakuntento sa pakikipagtabla si National Master Rolly Martinez kontra International master Barlo Nadera sa final round upang pagharian ang katatapos na 1st V. Luna Invitational Open Active Chess tournament noong Linggo na ginanap sa #57 V. Luna road sa Diliman, Quezon City.
Hawak ang puting piyesa, nag-alok ng draw ang 11th seed na si Martinez, miyembro ng kasalukuyang AFP-PNP chess team titlist Philippine Navy kontra fourth seed Nadera sa 20 sulungan ng French Defense upang ma-kalikom ng 6 puntos sa pitong sagupaan upang makopo ang titulo.
Sa iba pang laro, tinalo ni 12th seed NM Enrique Paciencia si fifth seed IM Chito Garma sa 35 moves ng Dutch Defense at sinilat naman ng eight seed NM Mirabeau Maga ang ninth seed na si Yves Ranola sa 30 sulungan ng Sicilian Duel.
Kapwa tumapos sina Nadera, Maga at Paciencia ng may tig-5.5 puntos, subalit ang una pa rin ang pumangalawa sanhi ng kanyang mataas na tie break points system.
Tumapos sina Maga at Paciencia ng 3rd at 4th place, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended