Ngo at Lao, kumopo ng 2 korona
February 27, 2001 | 12:00am
Kapwa nagpakita ng impresibong performance sina multi-titled Gerard Ngo at Mauric Lao matapos na magbulsa ng tig-dalawang korona sa ikalawang yugto ng 12-leg Burlington Age Group Tennis Challenge sa Rizal Sports Complex, Shaw Blvd., Pasig City.
Sa edad na 9, nasungkit ni Ngo ang 10 at 12 under titles kontra sa magkahiwalay na kalaban.
Tinalo ni Ngo, top seed sa 10-under ang kalabang si Mark Balce ng Ateneo, 6-3, 6-4 sa finals, bago makalipas lamang ang ilang oras, kanyang isinunod na biktima ang top seed na si Daniel Macalino ng Ateneo, 7-5, 7-5 sa 12-under finals kung saan si Ngo ang seeded 2 sa kategoryang ito.
Muling nabawi ni Lao, 14-anyos ang kanyang supremidad sa 14-under category nang iposte ang 6-1, 6-4 pamamayani kontra Ronald de Castro ng Jose Rizal University sa 14-under class.
Ipinagpatuloy ni Lao, nanalo ng 2000 Burlington Junior Masters ang kanyang pananalasa nang ibulsa naman ang korona sa16-under kontra Bonns Umali ng Jose Rizal University, 6-4, 6-4.
Gayunman, bumangon ang unseeded na si Umali nang kanyang itala ang isang upset na panalo kontra sa rated netters na kinabibilangan ng seed 3 Danilo Olosin, 6-3, 6-3 sa quarters bago ginapi rin niya si top seed Mario Palanca ng Roosevelt College sa semis, 6-2, 6-2 upang makarating sa kanyang unang finals slot sa 16-under matapos ang mahabang pagbabakasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended