Tierro at Riego de Dios, umusad sa Philta Junior Tennis Cup
February 26, 2001 | 12:00am
Kapwa nanaig sina top seeds Patrick John Tierro at Nico Riego de Dios ng Olongapo City sa kani-kanilang sariling divisions kahapon sa Philta Junior Tennis Classic 1 sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Tierro, isang high school sa Holy Infant Jesus College, ang maghari sa 16-under divisions nang daigin nito si No. 4 Marvelous Cortez, 6-3, 6-0.
Habang si de Dios, high school freshman ng Colum-bian College ang umangkin ng korona sa 14-under nang pasadsarin nito si second seed Mauric Lao.
Nauna rito, tinalo ni No. 1 Czarina Mae Arevalo ng Angelicum School si No. 2 Vida Alpuerto ng UP Los Baños sa girls 18-under, 6-2, 6-3. Iginupo naman ni top pick Ian de Guzman ng UP si Joseph Arcilla sa 6-3, 6-2 at naibulsa ang korona sa boys 18-under ng torneong ito na suportado ng PSC at Nassau balls.
Sa girls 12-under category finals, na-upset ni No. 2 Melissa Orteza si No.1 Bambie Zoleta, 6-4, 6-1 at sinilat naman ni No. 2 Pablo Olivarez II si No. 1 Raymond Villarete para sa boys title.
Sa iba pang laro, napag-wagian naman ni Bambie Zoleta ang unisex 10-under kontra kay Patrick Arevalo, 7-5, 6-1, napagwagian naman ng nakatatandang kapatid nito na si Bien ang 10-under sa girls division laban kay Tracy Bautista, 6-4, 6-0. (AE)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended