Foundation U at USJR namayani sa Nestea Beach Volleyball Tourney
February 26, 2001 | 12:00am
Tinanghal na hari ng beach volleyball ang Visayan team nang kapwa manaig ang Foundation U of Dumaguete at University of San Jose de Recoletos ang kanilang kalabang taga-Maynila sa quarterfinal round at umusad sa semifinals ng Nestea Beach Volleyball University Challenge sa CCP Complex.
Binitbit ng Foundation U at USJR ang kanilang dalawang koponan sa semis na ilalaro sa Abril 21-22 sa Boracay.
Sumandal ang Foundation U-1 kina Edward Balbuena at Isidro Bongcasan nang pabagsakin ang tambalan ng Mapua na sina Albert Alano at Ely Collado, 15-6 upang okupahan ang unang semifinal seat habang namayani naman ang tambalang USJR-Cebu 2 nina Norvie Labuga at Dave Arreza kina Raffy Mosuela at Orlando Malazab ng San Sebastian College, 15-10 upang ma-sweep ang kanilang quarterfinal matches.
Makakasama nina Balbuena at Bongcasan sa susunod na round ang mga kakamping sina Ralph Mingueto at Kent Bulabon ng Foundation 2 na nanalo din kina Alano at Collado, 15-6.
Ang Team 1 nina Jamal Macasamat at Jerome Capada ng USJR -Cebu ay makakasama ang Team 2 nina Labuga at Arreza makaraang pataubin sina Mosuela at Malazab, 15-5.
Sa kababaihan, napanatili naman ng San Sebastian ang kanilang kampanyang mapanatili ang korona nang ma-sweep nito ang pitong laban kahapon at ang huli at sa pagpapatalsik sa Foundation 1 makaraan ang lopsided 15-2 panalo.
Winalis din ng University of St. La Salle-Bacolod team nina Cecille Tabuena at Glenda Pintolo ang kanilang asignatura makaraang pataubin ang tambalang Southwestern University-Cebu nina Janeth Ponte at Kenneth Cinco, 15-9.
Gayunpaman nakabalik din ang SWU-Cebu para okupahan ang huling semifinals berth nang pabag-sakin nila ang tambalang Demelee Chua at Sheryll Magallanes ng De La Salle University, 15-5.
Nakakuha din ng tiket ang Foundation U women’s squad nina Rolyn Marquicias at Melanie Eralon matapos ang 15-2 pamamayani kontra sa tambalan nina Pine Estrada at Ailana Quina ng Adamson U.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended