^

PSN Palaro

Jalasco, payag sa panibagong BAP election

-
Sinabi kahapon ni Basketball Association of the Philippine president Freddie Jalasco Jr., na payag siyang magkaroon ng panibagong eleksiyon upang madetermina kung sino ang gusto ng mga miyembro ng nagkakagulong National Sports Association.

Ngunit ang proseso na nakatakdang iprisinta ni Jalasco sa POC ngayong Lunes ay inaasahan niyang magkakaroon ng mahigpit na pagtutol ang mga kalaban niya mula sa kampo ni Literal na siyang may provision na nanawagan para sa regional directors ng National Board--ang voting body na ihahalal at hindi itatalaga.

Ayon kay Jalasco, magi-ging "long-drawn" ang proseso ng inihain niyang proposal sa BAP executive board, gayunman umaasa siya sa POC na agad ding maidaraos ang naturang eleksiyon kahit bukas.

Iminatuwid ng POC Executive Board sa isang resolution na inaprubahan noong Pebrero 9, 2001, ngunit natanggap lamang ng BAP noong Peb. 13 na ang eleksiyon ginawa ng grupo nina Literal ay isang paglabag sa BAP Constitution and By-Laws kung kaya’t ang patuloy na kinikilala ng POC na pangulo ng BAP ay si Jalasco.

Sa kabila nito, sa nasabi ring desisyon ang nag-uutos kay Jalasco na isumite ang kanyang mismong sarili para sa isang halalan para sa "to secure fresh mandate," at si Jalasco ay binibigyan ng 15-araw para magsumite ng detalye para mapasama sa procedures, guidelines at timetable ng nasabing prosesong eleksiyon.

Ang itinakdang huling araw ay sa Peb. 28, 2001.

Ang 34 miyembro na mahahalal ay binubuo ng 16 regional directors, 11 miyem-bro ng executive committee at pitong commissioner ng pitong permanent commission para sa kabuuang 34 boto.

AYON

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINE

CONSTITUTION AND BY-LAWS

EXECUTIVE BOARD

FREDDIE JALASCO JR.

IMINATUWID

JALASCO

NATIONAL BOARD

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with