^

PSN Palaro

Pacquiao, Senrima handa na sa 'Rumble in Antipolo'

-
Ipinakita nina Manny Pacquiao at Tetsutora Senrima ang kani-kanilang muscles sa isinagawang public press preview kahapon para sa kanilang 12-round encounter sa Sabado, Pebrero 24 sa Bebot Elorde gym sa Parañaque.

Idedepensa ng 22-anyos na si Pacquiao ang kanyang WBC International superban-tamweight crown sa ikaapat na pagkakataon at nangako ito na kanyang tatapusin ang laban ng mas maaga.

"Unahan lang ito. Kung handa siya, mas handa ako," pahayag ni Pacquiao.

Kumpiyansa naman si Rod Nazario, ang business manager ng boksingerong tubong Gen. Santos City na isang magaang na laban ang haharapin ng kanyang bata.

"He (Senrima) looks just like the other fighters whom Pacquiao had beaten," wika ni Nazario.

Hawak ng 31-gulang na si Senrima ang ring record na 19-4-3 (10KO) na nagpamalas ng kanyang bilis at lakas sa isinagawa nitong two-round sparring kay Gerry Seismundo.

"I’m ready to rumble. On fight night, you’ll see more of my talents and power," sabi naman ni Senrima.

Umeksena rin sa preview sina Zarlit Rodrigo at Randy Mangubat na idedepensa rin ang kani-kanilang WBC International Minimumweight at Flyweight crowns sa undercard ng naturang laban na tinaguriang "Rumble in Antipolo."

Haharapin ni Rodrigo si Ernesto Rubillar, habang sasagupa naman si Mangubat kay Bert Cano.

Samantala, inihayag ni Rizal Gov. Casimiro Yñares Jr., na libre ang general admission sa publiko. Magbubukas ang coliseum ng alas-3 ng hapon at ang unang laban ay magsisimula sa dakong alas-4.

BEBOT ELORDE

BERT CANO

CASIMIRO Y

ERNESTO RUBILLAR

GERRY SEISMUNDO

INTERNATIONAL MINIMUMWEIGHT

PACQUIAO

SENRIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with