^

PSN Palaro

Jones at Avenido, pinili ng Pharma Quick Team

-
Hindi pansin ang mga babala sa mga posibleng problema sa FEU Management, tumuloy pa rin ang Pharma Quick team manager Atty. Jimmy Javier para piliin sina FEU Tamaraws Francis Gerard Jones at Leonides Avenido kahapon sa isinagawang 2001 PBL Rookie Draft Pick sa Makati Coliseum.

At sa isang telephone call, nagpahayag si FEU atheltic moderator Anton Montinola na siya ay nababahala hinggil sa desisyon ng GAB na nagdedeklara na ang PBL ay isang "professional."

Gayunman, ang pangamba ni Montinola ay kinukunsidera ni Javier bilang "too premature" at sa ilalim ng batas, may nakapending pa na apela sa Office of the President, kung kaya’t magpapatuloy ang PBL na mag-operate bilang non-professional league.

Inihayag din ni Javier na siya ay nasorpresa nang ialok ni Montinola ang buong FEU team para sa Pharma Quick para sa nalalapit na 2001 PBL Chairman’s Cup. Sinabi pa niya na karamihan sa Tamaraws ay nagsisikap ng umalis sa koponan.

Nakahugot rin si Javier ng dalawang mahuhusay na manlalaro sa sumunod na round--ang 2001 NCRAA rookie of the Year Chico Lanete, tubong Basilan Province para sa kanyang ikalawang pagpili at sa ikatlong pagpili ang RP team member naman na si Mark Masumbol ang kanyang hinugot.

Kinuha ng Pharma Quick si Alfie Grijaldo ng Skyland Estate’s at ang di-gaanong kilalang si Ernan del Monte.

Apat na malalaking tao naman ang kinuha ng Osaka Iridology at tatlong three-point shooter sa draft.

Kinuha ni coach Franz Pumaren sina 6’4 Fil-Am Jason Neil, mula sa Calpoly, St. Fullerton bilang top pick, bago niya isinunod si Roberto Lagar ng Mapua.

Ang iba pa ay sina 6’6 dating San Beda Red Lion Guinness Nabung, St. Francis’ 6’4 power forward Michael Jacob at La Salle’s Vincent San Diego.

Tatlong Cebuano stalwarts ang pinili ng Hapee Toothpaste--sina Pablo Tecson, Glenn Yuson at Edsel Feliciano.

Apat naman ang napunta sa Blu Sun Power--sina Jeff-ree Quiambao, Jose Vilaflor, Ernani Epondulan at Fil-Canadian John Philip Albano.

Napisil naman ni Montana coach Leo Isaac ang 6’3 na si Jay-Arr Estrada, bago kumuha sa dispersal pool sina Mark Roget Rivas Daniel Magba-nua, Jonathan Sanchez at Ian Daja.

Hinugot ng Welcoat Paints na kinatawan ni Boy Lapid at Jay Legacion sina Melvin Mamaclay at Michael Tolentino, bago isinunod sina Marlon Tadeo, Rey Tuble at Isagani Malindog.

At sa PBL Challenge Cup champion Shark Energy Drink, kinuha nila sina Omar Asmad, Manuel Caceres, Jun balares, Roy Falcasantos, Ricky Vinoya at Benjamin Tropa Jr.

ALFIE GRIJALDO

ANTON MONTINOLA

APAT

BASILAN PROVINCE

BENJAMIN TROPA JR.

BLU SUN POWER

BOY LAPID

JAVIER

PHARMA QUICK

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with