Upang matupad ang kanilang pangarap, isa sa major resolutions na inampon ng mga summit delegates ay ang pagbuo ng Mindanao Sports Council na bubuuin ng mga kinikilalang sportsmen at women sa rehiyon na siyang mangangasiwa at makikipag-koordinasyon sa council.
Nagkasundo rin ang delegasyon sa pagrekomenda sa Philippine Sports Commission na siyang nag-organisa ng dalawang araw na kunsultasyon na siyang mag-appoint sa council. Nagpahayag na ng interes ang Davao City at Lanao del Norte na gawin sa kanila ang nasabing Friendship games na nakatakda sa kaagahan ng Hulyo.
Ang iba pang vital resolutions na inampon sa summit ay kinabibilangan ng pagtatayo ng Mindanao Sports Academy o kayay Institute na magsisilbing training at education center for sports ng rehiyon.