^

PSN Palaro

Friendship Games, inindorso ng sports leaders

-
DAVAO CITY--Nagkakaisang inindorso ng Mindanao government at sports leaders ang pagho-host ng kauna-unahang Friendship Games bilang initial na proyekto para mapagtibay ang kanilang plano at proposals sa rehiyon ang kauna-unahang sports summit na naging matagumpay ang pagtatapos.

Upang matupad ang kanilang pangarap, isa sa major resolutions na inampon ng mga summit delegates ay ang pagbuo ng Mindanao Sports Council na bubuuin ng mga kinikilalang sportsmen at women sa rehiyon na siyang mangangasiwa at makikipag-koordinasyon sa council.

Nagkasundo rin ang delegasyon sa pagrekomenda sa Philippine Sports Commission na siyang nag-organisa ng dalawang araw na kunsultasyon na siyang mag-appoint sa council. Nagpahayag na ng interes ang Davao City at Lanao del Norte na gawin sa kanila ang nasabing Friendship games na nakatakda sa kaagahan ng Hulyo.

Ang iba pang vital resolutions na inampon sa summit ay kinabibilangan ng pagtatayo ng Mindanao Sports Academy o kaya’y Institute na magsisilbing training at education center for sports ng rehiyon.

DAVAO CITY

FRIENDSHIP GAMES

HULYO

LANAO

MINDANAO

MINDANAO SPORTS ACADEMY

MINDANAO SPORTS COUNCIL

NAGKAKAISANG

NAGKASUNDO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with