^

PSN Palaro

Pinoy cyclist, mahigpit na kalaban sa Le Tour de Langkawi

-
KUALA, LUMPUR--Dahil sa mahusay na training, guidance at exposure, isa ang top Filipino cyclist Victor Espiritu sa mahigpit na kalaban.

Ito ang opinyon ni team manager Jerard Stock sa kanyang No. 3 man sa Telekom All-Stars sa Le Tour de Langkawi noong Linggo kung saan tumapos si Espiritu ng ika-limang puwesto sa Asian field.

"No doubt, the talent is there. What he (Espiritu) needs is more international competitions of his (Le Tour de Langkawi) kind. He is already one of Asia’s best and given the right direction, he can be one of the world’s greatest riders," wika pa ni Stock kay Espiritu na magiging panibagong bahagi ng 90-man finish ngayong karera na tatahak ng 75.30-km criterium dito sa Malaysian capital.

Nagtala ang 1996 Marlboro Tour rookie champion ng 1:39:21 na parehong oras na isinumite ng 89 iba pang riders na kinabibilangan ng lap winner na si Federico Colonma ng Cantina Tollo, upang manatili sa kanyang ikalimang puwesto bunga ng kabuuang tiyempong 43:17:53 na may agwat na 5:51 sa Asian champion at teammate na si Wong Kam Po.

Sinabi ni Stock na ang isa sa pinaka-impresibong ipinakita ni Espiritu ang 8th stage ng tour--isang killer lap sa bundok ng Tanah Rata kung saan siya ay pumangatlo kasama ang first place na si Wong na silang kumopo ng kalamangan ng Asyano sa All-Stars.

"That was the turning point. With his injured knee fully healed, he showed us a glimpse of what a healthy Espiritu can do," ani pa ni Stock.

At dahil sa siya ang No. 3 man sa likuran nina Wong at Iranian Gader Mizbani, si Espiritu ang isa sa matibay na piyesa ng ikatatagumpay ng koponan sa tour na ito.

Si Wong na palapit sa kanyang ikalawang sunod na Asian title ay may oras na 43:12:02 kasama ang kanyang teammate na si Mizbani, 1998 Asian games track gold medalist na may 28 segundo ang layo sa kanya.

Kabilang din sa top 10 sina Makoto Iijima ng Japan (3rd), Tonton Susanto ng Indonesia (4th) Espiritu (5th), Li Fuyu ng China (6th), Tseng Seong Hoong ng Malaysia (7th), Satoshi Hirose ng Japan (8th), Tang Zuezhong ng China (9th) at Mitsuteru Tanaka ng Japan (10th).

Napagwagian ng Telekom All-Stars ang Asian team title sa kanilang 129:40:49 na may 29 minutong bentahe kontra Japan. Tumersera ang China.

CANTINA TOLLO

ESPIRITU

FEDERICO COLONMA

IRANIAN GADER MIZBANI

JERARD STOCK

LANGKAWI

LE TOUR

LI FUYU

MAKOTO IIJIMA

TELEKOM ALL-STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with