Martes, kampeon pa rin ng Avon 10K
February 19, 2001 | 12:00am
Ipinamalas ng defending champion Christabel Martes ang pormang nagputong sa kanya ng korona noong isang taon upang bigyan ng magandang regalo ang kanyang sarili makaraang dominahin ang Avon 10K national championship sa Makati City kahapon ng umaga.
At dahil sa nakatayang biyahe sa Budapest, Hungary para kumatawan sa bansa sa darating na Avon Global Running Womens Circuit 10K championship bukod pa ang premyong P25,000, magaang na tinahak ng 21-anyos na si Martes ang finish line sa tiyempong 37:06 sa 10K road run.
"Expected ko ito, walang masyadong malakas na mga kalaban. Si Hazel, sa 5K tumakbo, pero binakbakan ko pa rin kaya maganda ang winning time ko," pahayag ng tubong Benguet na kamakailan lang ay nagposte ng national record sa full marathon sa kanyang oras na 2:48.48 sa Standard Chartered Hongkong Marathon.
Pumangalawa kay Martes si Flordeliza Cachero, isang 20-anyos mula sa Baguio City at junior education student ng St. Louis University na may oras na 38:16 na nagbulsa ng P12,000 at tumersera si Mercedita Manipol na nagsumite ng oras na 38:40 at nag-uwi rin ng premyong P7,000.
Makakasama naman ni Martes sa biyahe patungong Budapest ang nanguna sa Avon Lady division na si Nancy Pajarillo na may tiyempong 43:42.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest