Desisyon ng protesta ng Shark laban sa Welcoat ihahayag

Nakatakdang lusutan ni PBL commissioner Chino Trinidad ang isang malaking pagsubok sa kanyang posisyon sa kanyang pagdedesisyon ngayon sa protesta ng Shark sa Game 5 kung saan napagwagian ito ng Welcoat, 76-75 noong Sabado ng gabi.

Nagprotesta sina Shark team owner Raul Panililio at coach Leo Austria sa isang foul umano ni Anton Villoria may 9/10th of a second ang nalalabi ang maaaring magdala kay Roger Yap sa freethrow line.

Lamang ang Welcoat 76-75 nang tawagan ni referee Manolito Quilingquen si Villoria na ayon kina Panililio at Austria ay nasa ‘act of making an attempt’ sa labas ng three-point area si Yap nang tawagan ito.

Show comments