^

PSN Palaro

Arcilla nakaligtas kay Makashin

-
Humatak si Johnny Arcilla ng 4-2, 4-2, 4-0 panalo kontra kay Sergie Makashin upang ihatid ang host Philippines sa 1-0 pangunguna kontra sa Tajikistan sa semifinal round ng Davis Cup Asia-Oceania Zone III competition sa Rizal Memorial Sports Tennis court.

Itinigil at ipinagbukas naman ang laban ni Adelo Abadia kontra kay Man-sur Yakhyaev sa ikalawang singles match bunga ng walang tigil na pag-ulan kahapon.

Natalo sa first set si Abadia, 4-2 at inaasa-hang makabawi ito sa pagpapatuloy ng kanyang laban ngayon sa alas-9 ng umaga sa center court.

Kung mabibigo si Abadia sa krusiyal na labang ito, nakasalalay ang kam-panya ng mga Pinoy na naghahangad makakuha ng isa sa dalawang slots na uusad sa Group II level sa doubles match.

Makakaharap ng mga Pinoy na sina Rolando Ruel Jr., at Joseph Victo-rino ang tambalan nina Dishod Sharifi at Makashin.

Sa iba pang laban, angat din sa 1-0 ang Ka-zakhstan kontra Singapore, habang tabla naman ang Sri Lanka at Qatar sa 1-1.

Nanaig si Pavel Baranov kontra kay Xuan-Xiang "Jensen" Hui, 4-1, 5-4 (7-2), 4-1 sa unang singles match at inaasa-hang makakakuha ang Kazakhstan ng 2-0 kala-mangan kung maipapa-nalo ni Alexey Kenryuk ang kanyang na-post-phone na laban kung saan lamang ito sa 4-2, 3-2.

ADELO ABADIA

ALEXEY KENRYUK

DAVIS CUP ASIA-OCEANIA ZONE

DISHOD SHARIFI

JOHNNY ARCILLA

JOSEPH VICTO

PAVEL BARANOV

PINOY

RIZAL MEMORIAL SPORTS TENNIS

ROLANDO RUEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with