^

PSN Palaro

Presidential belt nakataya sa Pacquiao Senrima bout

-
Kinumirma ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagdalo sa Yñares Sports Center kung saan idedepensa ng Filipino na si Manny Pacquiao ang kanyang WBC International Superbantamweight crown kontra Japan-based North Korean fighter Tetsutora Senrima sa Pebrero 17.

Ayon kay dating PSC Chairman Philip Ella Juico malugod na tinang-gap ng Pangulo ang kanilang imbitasyon.

"It’s an honor and great privilege to have Madam President Arroyo in the fight. Her presence would mean a great deal and surely boost the morale of our Filipino boxers," wika ng promoter na si Gabriel "Bebot" S. Lorde Jr.

Ang Pangulo rin ang siya mismong magbibigay ng tropeo sa mananalo sa pagitan ng Pacquiao-Senrima bout.

Ito rin bale ang kauna-unahang pagkakataon mula ng panoorin ni dating Pangulong Fidel Ramos na sasaksihan ng personal ng Chief Executive ang pakikipaglaban ng Filipino boxers .

"Malaking bagay ito para sa sports. Unang-una, our professional boxers never fail us when bringing glory to the country is concerned, laging nagbibigay ng honor," dagdag pa ni Elorde.

Ang naturang 12-round encounter ay tinaguriang "Rumble in Anti-polo" at ito ay suportado ni Gov. Casimiro Ynares Jr., at itinataguyod ng Royal Palm Hotel.

Bukod sa Pacquiao-Tetsutora bout, masisilayan rin ng Pangulo ang dalawang iba pang WBC matches na magtatampok kina minimumweight champion Zarlit Rodrigo kontra Ernesto Rubillar at flyweight titlist Randy Mangubat na sasagupa naman kay Bert Cano.

ANG PANGULO

BERT CANO

CASIMIRO YNARES JR.

CHAIRMAN PHILIP ELLA JUICO

CHIEF EXECUTIVE

ERNESTO RUBILLAR

INTERNATIONAL SUPERBANTAMWEIGHT

LORDE JR.

MADAM PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with