^

PSN Palaro

Tanduay nilagok ang unang panalo sa PBA All-Filipino Cup

-
Matapos ang dalawang sunod na kabiguan, natikman ng Tanduay Gold Rhum ang kauna-unahang panalo sa PBA All-Filipino Cup matapos ang 76-62 pamamayani kontra sa Sta. Lucia Realty sa PhilSports Arena kagabi.

Kumawala sa ikaapat na quarter ang Rhummasters nang kanilang samantalahin ang pananahimik ng Realtors na lalong nabaon sa pangungulelat matapos malasap ang ikatlong na sunod na talo.

Pinagtulung-tulungan nina Jeffrey Cariaso, Bong Hawkins at Bonel Balingit ang 22-puntos na produksiyon sa fourth quarter habang nalimitahan na-man sa 8 puntos ang Realtors.

Pinangunahan nina Cariaso at Dondon Hontiveros ang Rhummasters sa pagtatala ng 25 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod katulong si Hawkins na may 12 puntos.

Umabante ng pitong puntos ang Tanduay sa ikalawang quarter, ngunit hindi naman nagpabaya ang Sta. Lucia upang isara ang first half na abante lamang ng isang puntos ang Rhummasters, 36-35.

Buhat sa 25-23 pamumuno ng Realtors, pinangunahan nina Dondon Hontiveros at Wynne Arboleda ang 10-0 run upang iposte ang 32-25 kalamangan.

Kasalukuyang naglalaban ang defending champion Alaska Aces at Barangay Ginebra habang sinusulat ang artikulong ito bilang main game kagabi.
Purefoods vs Shell sa Lipa City
Solong pangunguna ang tangka ngayon ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs na maitala sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa Shell Velocity sa ikalawang out-of-town game ng PBA All-Filipino Cup.

Dadayo ang TJ Hotdogs at Turbochargers sa Lipa City, Batangas upang bigyang kasiyahan ang mga Batanguenos sa kanilang pang-alas-5:00 ng hapong duwelo sa La Salle-Lipa Gymnasium.

Unang naging biktima ng TJ Hotdogs ang Rhummasters, 75-66 noong January 31 kasunod ang Alaska, 95-77 noong Linggo at nais ng Purefoods na isunod ang Turbochargers.

Nalasap naman ng Shell ang 60-76 kabiguan kontra sa Batang Red Bull noong Miyerkules matapos magtagumpay sa kanilang debut game sa season na ito laban naman sa Phone Pals, 68-59 noong Pebrero 2.

Inaasahan muling pangungunahan nina four-time MVP Alvin Patrimonio at Andy Seigle ang TJ Hotdgos tulad sa kanilang dalawang dikit na tagumpay katulong sina Noy Castillo at EJ Feihl.

Bagamat hinigitan ni Mark Telan ang kanyang performance sa unang laro ng Turbochargers sa paghakot ng 21 puntos, bukod pa ang walong rebounds, nawalan ng saysay ito dahil kinulang ito ng suporta mula sa kanyang mga kasamahan.

Tanging si Benjie Paras lamang ang uma-agapay kay Telan kaya’t inaasahang ibayong laro ang ipapakita nina rookie Michael Hrabak, Chris Jackson, Jun Marzan, Rob Wainwright, Gerry Esplana at iba pa para iangat ang Shell. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ALVIN PATRIMONIO

ANDY SEIGLE

DONDON HONTIVEROS

LIPA CITY

RHUMMASTERS

TURBOCHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with