Nakisosyo sa karangalan nina Cuarto at Agra na nanguna rin sa girls 12-under class sina PJ Tierro sa boys 16-under plum, Nico Riego de Dios sa boys 14-under bracket, Raymond Villarete sa boys 12-under division, Joshua Tan Ho sa unisex 10-under division at Krissy Alina sa girls under categroy.
Sina Olongapo Tennis Club president Divina Riego de Dios, Yacht club recreation manager Boyet Juaban at marketing head Jojo Ampeloquio ang naggawad ng mga tropeo sa mga nanalo sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.
Hiniya ni Tierro si Allan Agulto, 6-3, 6-0; blinangka ni Riego de Dios si Gerber Mamawal, 6-0, 6-0, pinatalsik naman ni Villarete si Jopy Mamawal, 6-0, 6-0, habang naungusan ni Tan Ho si Agra, 6-2, 6-3 at tinalo ni Alina si Ma. Angelica Ngo, 6-3, 6-0.