Nakabawi ang Jewelers sa 48-63 kabiguan sa Game Two upang tapusin ang best-of-three mini series sa 2-1 panalo-talo baraha para sa third place.
Naging agresibo ang Montana sa huling bahagi ng labanan upang humakot ng anim na puntos mula sa freethrow line na pinangunahan ni Orly Torrente at iselyo ang tagumpay.
Humugot ng foul si Torrente at umiskor ng magkasunod na split shot sa 6-0 run upang pigilan ang Detergent Kings na nakalapit sa 64-65, 1:27 ang nalalabing oras sa laro.
Tumapos si Torrente ng 22 puntos bukod pa sa 7 rebounds, 4 assists at 2 steals upang pangunahan ang pitong players lamang na naglaro sa Montana.
Hindi naging malaking kawalan sa Jewelers ang pagkakatalsik sa laro ni Gilbert Lao nang matapos makainitan si Edwin Bacani, 7:31 ang oras sa fourth quarter.
"Kailangan utak ang gamitin," paliwanag ni Montana coach Leo Isaac. "Think of yourself, the group and the team. maganda ang performance nina Orly, Mel Latoreno, Gottenbos at Lao."