Unang susubukan ni Melchor ang kanyang tikas sa nakatakdang pakikipagbasagan ng mukha sa Mexicanong si Jose Antonio Aguirre sa Sabado para sa World Boxing Council (WBC) minimumweight crown sa Tijuana, Mexico.
At sa Linggo, kakaliskisan naman ang tibay ni Tabanas kontra Fahlan Sakkirin (aka Fhalan Lukmingkwan) na dating kampeon sa IBF para sa bakanteng WBO light flyweight title sa Mandalay Bay sa Las Vegas.
Pinapaboran na manalo si Aguirre kay Melchor matapos ang tatlong matagumpay na pagdepensa ng kanyang titulo na ang huli ay kontra kay Mongolian Erdene Chuleen.
Kumpiyansa naman si Tabanas na malulusutan ang kanyang laban dahil minsan na silang nagharap ni Sakkirin sa IBF minimumweight championship noong 1991 sa Bangkok, Thailand at sa puntusan lamang ito natalo.