^

PSN Palaro

2 Pinoy boxers, target mag-uwi ng karangalan

-
Iisa lamang ang nasa isipan ng dalawang professional boxers na sina Manny Melchor at Andy Tabanas sa kanilang nakatakdang pakikipagsapalaran sa labas ng bansa--ang makapag-uwi ng karangalan.

Unang susubukan ni Melchor ang kanyang tikas sa nakatakdang pakikipagbasagan ng mukha sa Mexicanong si Jose Antonio Aguirre sa Sabado para sa World Boxing Council (WBC) minimumweight crown sa Tijuana, Mexico.

At sa Linggo, kakaliskisan naman ang tibay ni Tabanas kontra Fahlan Sakkirin (aka Fhalan Lukmingkwan) na dating kampeon sa IBF para sa bakanteng WBO light flyweight title sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Pinapaboran na manalo si Aguirre kay Melchor matapos ang tatlong matagumpay na pagdepensa ng kanyang titulo na ang huli ay kontra kay Mongolian Erdene Chuleen.

Kumpiyansa naman si Tabanas na malulusutan ang kanyang laban dahil minsan na silang nagharap ni Sakkirin sa IBF minimumweight championship noong 1991 sa Bangkok, Thailand at sa puntusan lamang ito natalo.

ANDY TABANAS

FAHLAN SAKKIRIN

FHALAN LUKMINGKWAN

JOSE ANTONIO AGUIRRE

LAS VEGAS

MANDALAY BAY

MANNY MELCHOR

MELCHOR

MONGOLIAN ERDENE CHULEEN

TABANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with