Mainitang laban ng Welcoat , Shark sa PBL Challenge Cup
February 1, 2001 | 12:00am
Ipagpapatuloy ngayon ng defending champion Welcoat Paints at Shark Energy Drinks ang kanilang mainit na rivalry sa muli nilang pagtitipan sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven championship series ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Nakatakda ang sagupaan ng dalawang koponan sa alas-5:30 ng gabi matapos ang labanan sa pagitan naman ng Blu Sun Power at Montana Jewels sa alas-3:30 ng hapon sa kanilang best-of-three series para sa konsolasyong ikatlong puwesto.
Matatandaan na huling nagharap ang Welcoat at Shark noong huling kumperensiya sa Chairmans Cup finals kung saan naibulsa ng Paint Masters ang korona sa pamamagitan ng 4-0 sweep kontra sa Power Boosters.
Ngunit ngayon, tinatayang magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan kung saan kapwa ito nag-palakas ng kani-kanilang line-up, bukod pa ang ginawang pagpapalalim ng strategy at motibasyon ng kani-kanilang mga manlalaro.
Hawak ng Welcoat ang 7-3 bentahe kontra sa Shark sa kanilang head-to-head encounter noong nakaraang conference, ngayon ay tabla ang dalawa sa 1-1.
Unang ginapi ng Welcoat ang Shark, 64-56 noong Dec. 14, bago nakabawi naman ang Power Boosters sa 59-49 tagumpay sa semifinals noong Jan. 27.
Siguradong mas matinding hamon ang ibibigay ng tropa nina coach Junel Baculi dahil naghahangad sila na maibulsa ang ikaapat na dikit na korona.
Tiyak na ibubuhos ng lahat ni Baculi ang kanyang nalalaman upang tapatan ang lalim ng bench ng Power Boosters.
"Mas worried ako kung anong mativation ang gagawin ko after all the struggles we went through. Mas gutom ang Shark for the title, and I have to think of the right motivation to make them hungrier for the crown," pahayag ni Baculi.
"They say that Shark is ripe for the championship, but they have to get pass us. Depende rin yan sa adjustments. Alam mo naman, yung hearts of champions hindi basta-basta patatalo," pagbibiro pa ni Baculi.
At sa panig naman ng Shark, siguradong hindi rin pa-huhuli ang tropa ni coach Leo Austria na inaasahang maglalabas ng matinding opensa upang matupad na rin ang kanilang inaasam-asam na titulo matapos na humulagpos ito sa kanilang mga kamay ng dalawang ulit.
Para matupad ito, kailangang gumawa ng eksplosibong opensa sina Irvin Sotto, Warren Ybañez, Erwin Velez at Michael Robinson upang palakasin ang kanilang front-court at backcourt sa tulong naman nina Roger Yap Jr., Egay Echavez, Chester Tolomia, Gilbert Malabanan at Rysal Castro.
"It will be a different ball game because of the new recruits. Our semis win against Welcoat somehow boosted the confidence of the boys na kaya pala nilang talunin ang Welcoat," sabi naman ni coach Leo Austria patungkol sa kanilang kakaharaping laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended