Ang panalong ito ng Blu, ika-8 sa kanilang 14 na pakikipaglaban ang nagkaloob sa kanila na makaseguro ng isang slot sa best-of-three series para sa konsolasyong ikatlong puwesto.
Taliwas naman sa Teeth Sparklers lumasap ng walong talo sa kanilang 14 na laro, obligado silang ipanalo ang kanilang nalalabing huling laro sa Martes kontra sa defending champion Welcoat Paints upang makuha ang karapatang harapin ang Blu.
Matapos ang 27-19 ng Blu, nagpasiklab sina Arnie Canoza at Marlon Kalaw upang palobohin ang kanilang kalamangan sa 44-26 sa pagtiklop ng halftime mark.
Mula dito hindi na nagawa pang makabangon ng Teeth Sparklers at tuluyan na itong naiwanan ng hanggang 19 puntos, 69-50 sa kaagahan pa lamang ng final canto.
Kontrolado din ng Blu ang boards (44-36), nagpamalas rin ito ng tikas sa opensa nang magposte ng 52% (31-of-59) bukod pa sa pagkulekta nila ng 17 puntos sa fast-breaks, bago umiskor pa sila ng 16 puntos mula sa 17 pagtatapon ng bola ng Hapee.
Samantala, iginiit ni PBL Commissioners Chino Trinidad na ang pagkakasangkot ng liga sa basketball super body ay isang kontribusyon sa development ng basketball sa bansa.
"We joined the super body mainly to extend a hand for the development of basketball and it does not mean bowing down before the BAP to help us with the GAB issue. As Ive said, our appeal against the GAB ruling is already in the hands of Malacañang," wika ni Trinidad.