^

PSN Palaro

Peñalosa sasabak kay Yamaguchi

-
Nakatakdang harapin ni Gerry Peñalosa ang dating World Boxing Association (WBA) junior flyweight champion Keiji (Prince) Yamaguchi ng Japan.

Ang labang ito na magiging tuntungan ni Peñalosa sa posibleng pakikipaglaban sa World Boxing Council (WBC) superflyweight title na nawala sa kanyang mga kamay.

Gayunpaman ay hindi pa tiyak kung kailan at saan gaganapin ang laban ayon sa manager ni Peñalosa na si Rudy Salud.

Ang date at venue ng laban ay depende pa sa kalala-basan ng engkwentro nina WBC 115 lbs. champion Masamori Takuyama at In Joo Cho sa kanyang ikalawang depensa.

Sinabi ni Salud na itatakda nito ang laban pagkatapos na pagkatapos ng Takuyama-Cho fight na wala pa ring eksaktong date at venue.

Ipinag-utos ni WBC president Jose Sulaiman na ang mananalo sa pagitan nina Tokuyama at Cho ay kailangang magdepensa ng titulo laban kay Peñalosa sa loob ng 90-araw pagkatapos ng kanilang laban.

Sabik na sabik na si Peñalosa, ang WBC no. 1 contender, sa kanyang tsansang mabawi ang titulong inagaw sa kanya ni Cho.

Inagaw ni Cho ang titulo sa pamamagitan ng kontrobersiyal na split decision at inulit niya ito sa isa na namang kontrobersiyal na split decision.

Inaasahang maghaharap sina Cho at Takuyama sa Abril matapos umatras ang Hapon sa itinakdang laban sa Marso dahil diumano’y sa natamong injury sa kamay.

Tumutol ang manager ni Cho na si Ku Sung Lee sa matagal na pagkaka-delay ng laban kaya’t hiniling nito ang pakikialam ng WBC.

Bagamat wala pang katiyakan ang laban ay nagsasanay na si Peñalosa sa kanyang tahanan sa Davao.

Inaasahang magtutungo na sa Maynila si Peñalosa para sa masusing training dahil posible nang ihayag ng WBC sa lalong madaling panahon ang laban.

Ayon kay Peñalosa, nakita na niya ang limang laban ni Yamaguchi sa tape at hindi naman ito nag-aalala.

Si Yamaguchi, 26 gulang, ay naging professional boxer noong 1992 at may record na 29-6-1 win-loss-draw kabi-lang ang 11 knock-outs.

Kabilang sa kanyang mga naging biktima ay 12 na Filipino na kinabibilangan nina Nolito Cabato, Lee Escobido, Rudy Idano, Texas (Mug) Gomez, Jojo Torres at Marlon Carillo.

Umiskor si Yamaguchi ng 12-round decision kontra kay Carlos Murillo ng Panama upang makopo ang WBA 108 lbs. crown.

ALOSA

CARLOS MURILLO

CHO

GERRY PE

IN JOO CHO

INAASAHANG

JOJO TORRES

LABAN

NTILDE

YAMAGUCHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with