Ang naturang sportfest ay lalahukan ng hindi bababa sa 3,500 manlalaro at mga delegasyon mula sa ibat ibang panig ng bansa.
Isang makulay na cultural presentations ang lalahukan ng libu-libong mag-aaral mula sa ibat ibang pampubliko at pribadong elementary schools sa Laguna at mga kabataang artists mula sa Philippine High School for Arts ang inilinya ng Provincial Government of Laguna para sa isang magarbong opening ceremonies na sisimulan sa ala-una ng hapon.
Pangungunahan ni PSC chairman Carlos Tuason na siyang magsisilbing pangu-nahing tagapagsalita ang seremonya na aasistihan naman nina Laguna Gov. Joey Lina kasama si commissioner William Ramirez na siyang overall Batang Pinoy Director.
Kabilang din sa mga dadalo sina Philippine Olympic Committee President Celso Dayrit at PSC commissioners Ricardo Garcia, Amparo Lim at Leonardo Celles.
Inaasahang tatanggap ang top three LGUs na mangu-nguna sa paghakot ng mga medalya ng kani-kanilang insentibo mula sa PSC sa pamamagitan ng sports equipment at scholarship. Pagkakalooban din ang atletang makapagtatala ng panibagong records ng parehong insentibo.
Inaasahan din ang pagdalo nina Laguna vice-governor Teresita Lazaro, kasama ang mga miyembro ng provincial board sa opening ceremonies. Sasama rin ang mga local executives mula sa ibat ibang LGUs at regional directors ng DECS sa kani-kanilang mga koponan sa pagparada.
Hindi bababa sa 16 sports events ang nakatakdang paglabanan sa Batang Pinoy Program ngayong taon at itoy ang athletics, arnis, badminton, boxing, chess, gymnastics, swimming, volleyball, little league baseball, taekwondo, judo, karatedo, BMX-cycling, football, table tennis at lawn tennis.
Matatandaan na sa bisa ng Executive Order No. 44 na nilagdaan ni dating Pangulong Joseph Estrada, dalawang taon na ang nakakaraan, inilunsad ang Batang Pinoy bilang premier national sports program ng bansa para sa mga kabataan.