Ayon sa balita, hindi lamang ang sinturon ni Pacquiao ang inaasinta ni Senrima kundi higit sa lahat ay ang world ranking na hinahawakan ng Filipino champion.
Si Pacquiao ay kasalukuyang number 3 sa lista-han ng World Boxing Council (122 lbs. division) at No. 3 din sa International Boxing Federation ratings.
Umiskor ng apat na sunod na laban si Pacquiao na ang huli ay ang hindi malilimutang knockout defeat kay Medgeon 3K Battery ng Thailand na naging dahilan upang makawala sa kanyang kamay ang WBC flyweight crown noong 1998.
Kabilang sa mga naging biktima ni Pacquiao ay sina dating world rated Reynante Jamili, Sydney-based Arnel Barotillo, Korean Seung Kwon Chae at Lebanese-born Australian Nadel Hussein.
Ayon sa kilalang Japanese boxing expert na si Joe Koizumi, na nagrekomenda kay Senrima kay promoter Gabriel Bebot Elorde Jr., tiyak na magbibigay ng mabigat na laban ang Hapones kay Pacquiao mula sa opening bell dahil sa abilidad nitong tumagal sa laban.
"Because Senrimas stamina is tested, aside from being packs with wallop punches that could put Pacquiao in trouble," dagdag ni Koizumi. "Hes a slugger and loves to fight toe to toe."
Si Senrima, 31 anyos na ipinanganak sa Kobe ng kanyang magulang na Koreans, ay may hawak na record na 19-4-3 na may 10 knockouts. Ang kanyang tunay na pangalan ay Choi Ho Kang.